Mga Aklat: Payo sa Pangangalaga ng Aklat
Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ako’y magsusulat sa wikang Filipino. Naisipan kong magbahagi ng isa sa aking natutunan sa aking pag aaral sa mababang paaralan. Sa mga nakapag aral sa pampublikong paaralan, ‘di lingid sa inyong kaalaman na, bagama’t libre, ay hiram lamang at kailangan ibalik ang mga aklat sa pagtatapos ng taon para magamit ng mga susunod na mag-aaral. Noong ako’y nag aaral pa ay hindi sapat ang bilang ng mga aklat sa bilang ng mga mag-aaral kaya isa sa mga paraan ng aming mga guro ay pag tabihin ang mga mag-aaral na may magkaibang aklat upang kami ay mag hiraman. Kadalasan, ang mga ito ay luma at naninilaw na ang mga pahina. Kung mayroong darating na mga bagong isyu ng aklat, pinapagamit naman ngunit ‘di muna ito ipinapauwi sa mga mag aaral upang maiwasang maluma agad. Sa loob ng anim na taon, sa ikalimang baitang lamang ako nakatanggap ng limang aklat (sa kadahilanang ang aming guro noon ay kilalang istrikto👩🏫). Dahil dito, natutunan kong pangalagaan ...