Mga Aklat: Payo sa Pangangalaga ng Aklat
Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ako’y magsusulat sa wikang Filipino. Naisipan kong magbahagi ng isa sa aking natutunan sa aking pag aaral sa mababang paaralan. Sa mga nakapag aral sa pampublikong paaralan, ‘di lingid sa inyong kaalaman na, bagama’t libre, ay hiram lamang at kailangan ibalik ang mga aklat sa pagtatapos ng taon para magamit ng mga susunod na mag-aaral. Noong ako’y nag aaral pa ay hindi sapat ang bilang ng mga aklat sa bilang ng mga mag-aaral kaya isa sa mga paraan ng aming mga guro ay pag tabihin ang mga mag-aaral na may magkaibang aklat upang kami ay mag hiraman. Kadalasan, ang mga ito ay luma at naninilaw na ang mga pahina. Kung mayroong darating na mga bagong isyu ng aklat, pinapagamit naman ngunit ‘di muna ito ipinapauwi sa mga mag aaral upang maiwasang maluma agad. Sa loob ng anim na taon, sa ikalimang baitang lamang ako nakatanggap ng limang aklat (sa kadahilanang ang aming guro noon ay kilalang istrikto👩🏫). Dahil dito, natutunan kong pangalagaan ang mga aklat na inaalala ang mga susunod pang gagamit at hindi lamang bilang isang personal na gamit. Ang ganitong kaisipan ay akin pang napanatili hanggang ngayon.
Ibabahagi ko ang ilan sa mga paraan ng pangangalaga ng aklat. Ang mga ito ay hindi naman mga makabago o kakaibang mga paraan. Kung ito ay karaniwan na ninyong ginagawa, ituring na lamang ninyo itong mga paalala. Ito ay:
1. Pabalat. Ang aming mga aklat noon ay paperback kaya mas mabuting lagyan ito ng pabalat na plastik para hindi agad mapunit. Minsan pa ay pinalalagyan ito ng manila paper kung ang cover ay nabubura na.
2. Mga tiklop na pahina. Iwasan tiklupin ang pahina ng inyong mga aklat lalo na ang mag mga dulo o kanto ng pahina.
3. Pananda. Gumamit nito kung may gustong balikan na pahina na hindi pa natatapos na basahin.
4. Mga sulat o marka ng lapis at bolpen. Ito ay personal lamang na pananaw. Ako man ay ‘di rin matuwid na nasusunod ito. Kung kayo ay may balak ipamigay o ibenta ang inyong mga aklat, makabubuti itong sundin. Ngunit may mga ibang tao na ang tingin dito ay dagdag karakter sa aklat at sa may ari.
5. Maayos at malinis na lalagyan. Makabubuting maglaan ng lugar na mapapanatiling malinis at nasa maayos na kalagayang ang inyong mga aklat. Ilagay ito sa bag na may tamang laki at hindi maiipit o magugusot ang mga pahina kung kailangan dalhin sa labas. Hangga’t maaari din ay iwasan magtabi ng napakaraming aklat na tapos ng basahin o ‘di na pumupukaw ng inyong interes. Ibenta o ipamigay ang mga ito sa mga mas mangangailangan.
Pagsasalin sa Ingles:
My rough english translation:
My rough english translation:
I learned to treat books, not just with personal care, but with the thought of other kids who will have to use it after me.
In celebration of Buwang Wika, I decided to write in Filipino. I thought of sharing one thing I learned in grade school. For those who went to public elementary, it is common knowledge that, although free, textbooks were just lent to students and needed to be returned at the end of the school year to be used by the next batch of students. When I was studying, there weren’t enough supply of books for all us, so our teachers would sit us beside other students who were not given the same books so we can share. Mostly, the pages of the books were yellowish and have definitely seen better days. If ever there would be new issues of books, we were able to use it, but it won't be given to us yet to take home to keep it from getting worn out. In my six years of elementary, the most number of books I've gotten was a set of five during my fifth grade (just because my class adviser then was known to be really strict👩🏫). Having gone through that, I learned to treat books, not just with personal care, but with the thought of other kids who will have to use it after me. To this day, I still bear this kind of mindset.
Here are some tips on taking care of books. These are not innovative or unique ways. If you already are practising these, then just treat them as reminders:
1. Plastic cover. Our textbooks back then were in paperback, hence it is better to wrap the cover with clear plastic. If the front cover has faded, they sometimes require us to cover it with manila paper too.
2. Folded pages. Avoid folding the pages of the book and its edges.
3. Bookmarks. Use this if you want to go back on a page you haven't finshed yet.
4. Pencil/pen marks. It is just a personal preference. Even I, don’t follow this religiously. If you plan on donating or selling your books, it would be better to keep it from having pen marks. But for some people, they view it as something that adds character to the books and the owners themselves.
5. A clean and proper shelf. Give your books a proper shelf to keep them in good condition. Have a nice bag that fits your book well if you need to take it out to keep its spine or edges from being bent. Avoid stocking too many books that you have finished reading or do not spark interest anymore. Sell or donate them to those who will need them more.
PS:
I've tried my best to use less spanish and english loan words and my sincere apologies if I have misuse ng, nang, sa, at etc. I will keep doing my best to improve🙏🤞.
I would love to read what valuable lessons you have learned while in grade school. Please share them if you have, and would greatly appreciate it if you share in Filipino as well😉.

Comments
Post a Comment